Ella Cruz umamin sa tunay na relasyon nila ni Bret Jackson

ella cruz

Umamin ang ang Kapa- milya teen star na si Ella Cruz na nagdi-date sila ni Bret Jackson. Nagsimula ang pagkakaibigan nina Ella at Bret when they did an episode for Wattpad Presents sa TV5.

We heard niregaluhan pa ni Bret ng diamond necklace si Ella nu’ng nag-debut ang teen star. We wonder kung ano ang napi-feel ngayon ni Andi Eigenmann na ex-girlfriend ni Bret.

Nakatatak pa rin sa isip namin nu’ng child star pa lang si Ella. At ngayon, nakikipag-date na siya, huh! Parang kelan lang when she did the fantasy-drama series Aryana sa ABS-CBN kung saan ang leading man naman niya sa show ay nagbibinata pa lang at dati ring child star na si Paul Salas.

And speaking of Paul, makakasama siya nina Francis Magundayao at Sunshine Cruz sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya nga- yong Sabado.

Kuwento ito ng isang pamilyang susubukin ng panahon at pagkakataon. Bata pa lamang ay sadlak na sa kahirapan si Aurora (Sunshine) at mga anak na sina Mark (Paul) at Michael (Francis).

Kaya naman noong limang taong gulang si Mark ay ipinaampon ito ng ina sa pag-asang magkaroon ito ng mas maayos na buhay. Paano sisi- rain ng tadhana ang kanilang magandang relasyon at may pag-asa pa bang mabuo ito sa pagtakbo ng panahon?

Kasama rin dito sina CX Navarro, Nhikzy Calma, Daria Ramirez, William Lorenzo, Carla Guevarra, Pepe Herrera, Mccoy De Leon, Raquel Montesa at Lui Manansala.

Ito’y sa direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat ni Mark Duane Angos. Huwag palampasin ang MMK tuwing Sabado after The Voice Kids sa ABS-CBN.

Read more...