Pidol nagmulto, ayaw ipabenta ang mga naiwang ari-arian
KINUMPIRMA ni Epy Quizon na itinigil muna ang pagbebenta ng mga naiwang ari-arian ng kanyang amang si Comedy King Dolphy sa pamamagitan ng isang auction. Ayon kay Epy nang makorner ng ilang entertainment reporters sa press con ng pelikulang “Heneral Luna” kung saan kasama siya, karamihan daw kasi sa mga bidders ay biglang nag-backout. “Madaming parang ayaw mag-bid sa harap ng camera,” aniya na ang tinutukoy nga ay ang auction na magaganap sana sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN building. “That day nag-usap-usap kami parang ayaw ni Daddy na ibenta ‘yung properties. Madami sa mga kapatid ko (sabi na) huwag muna. Even I, sabi ko, ‘Huwag muna parang may message si Daddy na huwag muna nating ibenta,” chika pa ng aktor na gaganap ngang Apolinario Mabini sa biopic na “Heneral Luna” na bibigyang-buhay naman ng award-winning actor na si John Arcilla. Pagpapatuloy pa ni Epy, “So hanggang ngayon maski ‘yung mga binidan ay pinull out na namin. May mga bumibili nu’ng araw na ‘yon sa silent bid, ‘huwag na muna, i-reserve na lang muna natin.’ So, naka-reserve ngayon.” Naghihintay lang daw ang pamilya Quizon ng sign para sa pagbebenta ng properties ni Mang Pidol, “Parang pahinga muna tayo. Pakinggan muna natin ang mensahe ni Daddy. Managinip muna tayo ulit kung paano tayo kakausapin ni Daddy ulit kasi parang ayaw niya.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.