Takot magbigay ng second chance | Bandera

Takot magbigay ng second chance

Pher Mendoza - August 28, 2015 - 03:00 AM

MANANG,

Si Xhiane po ako, 30 years old at taga-Cotabato.

Kasal po ako sa asawa ko at may anak kami. Nagkahiwalay kami this year lang pero until now ay nagpaparamdam pa rin siya sa akin. Mahal pa raw niya ako.

Ngunit takot na ako kasi dahil minsan na niya akong sinaktan dahil sa babae at higit sa lahat napagbuhatan na rin niya ako ng kamay pati ang anak namin. Dahil sa nangyari unti-unting nawawala ang love ko sa kanya.

Pero po hindi ko pa siya nakikita dahil taga Panabo siya, ngunit everyday kaming nag-uusap sa text. At plano naming magkita ngayong December. Ano po kaya ang gagawing ko?

Xhiane, Cotabato
Xhiane, kung ako sa’yo, kakalimutan ko na s’ya. Kung nagawa n’yang mambabae (totoo man o hindi) at pagbuhatan ng kamay noon, ano ang guarantee na hindi na n’ya iyon uulitin kapag nagkabalikan na kayo? Kung talagang mahal ka ng tao, dapat ay sapat na itong dahilan para igalang ka n’ya at hindi saktan. Ngayong mas kilala mo na s’ya, huwag kang basta magtiwala at maniwala. Isipin mong mabuti ang idudulot nito sa’yo at sa anak mo kung sasaktan ka lamang n’ya uli. Napakahirap ng dadanasin mo sa kanya. He had his chance with you. Hindi ba mas mabuting humanap ka na lamang ng taong talagang magpapahalaga sa’yo at hindi ka kailanman kayang saktan? Hindi pa huli, be wise.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending