Sa kabila ng problema sa kalusugan, Kris itutuloy ang MMFF entry kasama si Bistek | Bandera

Sa kabila ng problema sa kalusugan, Kris itutuloy ang MMFF entry kasama si Bistek

Ervin Santiago - August 28, 2015 - 03:00 AM

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

SINIGURO ng Queen of All Media na si Kris Aquino na tuloy na tuloy pa rin ang pelikulang gagawin nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ito’y matapos ngang mapabalita na baka raw hindi na ito makasama pa sa dara- ting na 2015 Metro Manila Film Festival.

May kinalaman daw kasi ang laging pagkakasakit ni Kris ngayon na kamakailan nga lang ay isinugod muli sa ospital dahil sa biglang pagtaas ng kanyang blood pressure, na muntik na niyang ika-stroke.

Sa huling panayam namin kay Bistek sa nakaraang birthday celebration ni Mother Lily Monteverde, sinabi nitong umaasa pa rin siya na matutuloy ang MMFF entry nila ni Kris. Depende raw kasi yan sa schedule ng TV host at sa health condition nito sa susunod na mga linggo.

Bukod dito, tinatapos din ni Kris ang pelikula niya with direk Chito Roño, ang “Etiquette For Mistresses” kasama sina Claudine Barretto, Kim Chiu, Iza Calzado and Cheena Crab na ipalalabas na sa September.

Sumailalim na sa ilang blood test si Kris at okay naman daw ang mga resulta nito ayon sa kanyang doktor. Chika pa ng mommy nina Joshua at Bimby, nakadepende talaga sa kanyang health condition ang shooting ng “Mr. & Mrs. Split” nila ni Bistek pero aniya, sa ngayon tuloy ang nasabing MMFF entry at magsisimula raw sila ng shooting sa ikatlong linggo ng September.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending