Alex Gonzaga: Di ko po talaga pinangarap maging superhero!
NAKA-MOVE on na si Alex Gonzaga sa pag-alis ng kanyang ateng si Toni Gonzaga sa kanilang bahay matapos nga itong magpakasal kay direk Paul Soriano at bumukod na sa kanilang pamilya.
Ayon sa TV host-actress, tanggap na niyang may ibang buhay na si Toni at may sarili na itong pamilya at very soon ay magkakaroon na rin ito ng mga anak. Ang mahalaga raw ay maligayang-maligaya ang kanyang sisteraka sa kanyang pagiging misis.
Sa presscon kahapon ng bagong proyekto ni Alex sa ABS-CBN, ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid, kasama ang Kapamilya hunk actor na si Ejay Falcon, inamin ng dalaga na nami-miss niya yung mga dati nilang bonding momentsni Toni pero bumabawi naman daw ang ate niya.
“Lagi naman siyang tumatawag, lagi rin kaming nagkakausap kaya parang araw-araw din kaming magkasama. Pero yung adjustment, naka-move on na ako du’n sa separation anxiety na tinatawag nila,” chika ni Alex.
Natanong naman si Alex tungkol sa lumabas na chika kamakailan na nagkakaroon daw ng tampuhan ang mag-asawa dahil sa pera. Nauna nang nilinaw ni Toni ang tungkol dito at pinabulaanan ang tsismis.
Sey ni Alex, sa pagkakaalam niya, maayos ang relasyon nina Toni at Paul at wala naman daw naikukuwento sa kanya ang kapatid tungkol dito. May mga bagay-bagay lang daw na gusto nilang bilhin this year, “May target lang kasi sila (bilhin) within this year, yun lang yun. Actually, binigyan pa nga ako ng ticket ni direk Paul sa concert ni Ariana Grande, e. So, tingin ko naman walang isyu about money.”
Samantala, si Alex pala ang nagsisilbing “energy drink” ni Ejay Falcon sa set ng I Heart Kuryente Kid, lalo na kapag lumalagare ito sa taping ng Pasion de Amor at Wansapanataym.
May mga araw daw kasi na nagkakasabay ang taping schedule ng dalawang programa ng ABS-CBN kaya walang magawa si Ejay kundi ang tuhugin ang kanyang mga eksena sa mga nasabing palabas.
At dahil nga sa cute na kakulitan ni Alex at sa likas nitong pagiging masayahin, nahahawa na rin si Ejay, kaya kahit nga pagod na ito at wala pang pahinga ay nagagawa pa rin nito nang mahusay ang kanyang mga eksena sa Wansapanataym kung saan nga gaganap siya bilang isang superhero na si Kuryente Kid.
Nilinaw naman ng direktor ng I Heart Kuryente Kid na si Andoy Ranay, bilib siya sa professionalism ni Ejay dahil sa kabila nga ng mabibigat niyang eksena sa Pasion de Amor ay nakakapag-deliver pa rin ito sa kanilang taping.
Kaya naman naging maayos at tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pagtatrabaho.
Excited na si Ejay sa pagsisimula ng Wansapanataym nila ni Alex dahil first time nga niyang gaganap na superhero. Kung medyo mature audience ang target nila sa seryeng Pasion de Amor, kung saan lagi siyang nakahubad, dito naman daw sa I Heart Kuryente Kid ay mga bata naman ang pasasayahin nila.
Nu’ng in-offer nga raw sa kanya ang role nasabi niyang dream come true ito para sa kanya dahil super fan din siya ng mga superhero sa TV at pelikula kahit noong bata pa siya. Aniya pa, “Lahat ng artista gustong gumanap bilang isang superhero. Kaya sino naman ako para tumanggi?
Tiyak din daw na matutuwa ang kanyang mga kapatid kapag napanood na siya sa TV bilang isang superhero.
Inamin naman ni Alex Gonzaga sa presscon ng Wansapanataym na hindi raw niya pinangarap ang maging superhero kahit noong bata pa siya, “Payat kasi ako, di ba kasi, sa atin kapag superhero ka dapat ano…so, ganu’n,” biting sagot ng dalaga.
Magsisimula na ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid sa Aug. 30, Linggo pagkatapos ng Goin’ Bulilit. Makakasama rin dito sina Miguel Vegara, Malou Crisologo, Fourth Solomon at Tirso Cruz III, sa panulat ni Philip King at sa direksiyon ni Andoy Ranay.
Kaya tutukan ngayong darating na Linggo kung paanong naging “accidental superhero” si Ejay Falcon matapos siyang tamaan ng kidlat at kung paano sila magkakakilala ni Alex sa kuwento na gumaganap naman bilang isang journalist.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.