Negosyong magbibigay ng suwerte (2) | Bandera

Negosyong magbibigay ng suwerte (2)

Joseph Greenfield - August 28, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Janice ng San Agustin St., La Carlota City, Negros Occidental
Problema:

1. Binigyan po ako ng kaunting puhunan ng anak ko na nagdya-Japan at sa ngayon balak kong magnegosyo. Isinilang ako noong Enero 17, 1969 at Oktubre 23, 2972 naman ang mister ko. Ano po ba ang suwerteng negosyo para sa amin? Ang balak kasi ng mister ko ay bumili ng kambing at baka, susu- wertehin kaya kami sa ganoong negosyo? Ang ba- lak ko naman ay magtayo ng tindahan.

2. Sana mapayuhan nyo kami kung saan dapat dalhin ang pera upang pag-uwi dito ng anak ko ay makita niyang napalago namin ang aming negosyo ng sa ganon ay hindi na kami aasa pa ng asa sa kanya at hingi ng hingi ng pera gayong wala naman kaming ginagawang paraan upang kimita.
Umaasa,
Janice ng Negros  Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ay pinaghaharian ng elementong lupa or earth element. Kung kaya’t anomang may buhay na naninirahan sa lupa at nakatindig sa lupa ay magibigay sa iyo ng suwerte. Bukod sa pag-hahayupan na nabubuhay sa kandili ng lupa, mapalad ka rin sa paghahalaman at sa tindahan. Kung tindahan mas mainam ang mga produktong butil o kaya’y bungang kahoy at lamang ugat.
Numerology:
Ang birth date mong 17 ay nagsasabing bukod sa kambing at baka, mas mainam na magsimula muna kayo sa pag-aalaga ng baboy. Pagkatapos magkaroon ng babuyan, bumili kayo ng sa- riling sasakyan, at pagkatapos magtayo kayo ng tindahan na may kaugnayan sa agricultural products. Sa ganyang mga negosyo, makikita mo mas mabilis kayong yayaman.
Luscher Color Test:
Sa pagnenegosyo ugaliing gumamit ng kulay na berde at pula, ang nasabing mga kulay ang hihigop ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran. .
Huling payo at paalala:
Janice ayon sa iyong kapalaran ituloy mo lang ang binabalak ninyong negosyo ng mister mo, pero wag na wag nyong kakalimutang mag alaga ng mga baboy. Sapagkat sa nasabing negosyo na may kaugnayan sa paghahayupan, natakda ang magaganap – sa taong ding ito ng 2015 hanggang 2016, unti-unti ng mai-established ang inyong kabuhayan, hanggang sa paglipas ng lima o kaya’y pitong taon pa, sa year 2021 sa edad mong 52 pataas, makikita mo, hindi mo inaasahan at hindi mo rin mapapansin, asensadong-asensado na ang inyong negosyo, hanggang sa tuloy-tuloy na kayong yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending