Arraignment ni Cedric Lee hindi natuloy

cedric lee
Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal kay Cedric Lee sa Sandiganbayan Third Division kahapon.
Natuloy naman ang arraignment ng kapwa akusado ni Lee sa kasong graft na si dating Mariveles Mayor Angel Peliglorio na naghain ng not guilty plea.
Walang kasamang abugado si Lee sa pagdinig kahapon dahil dinala umano sa ospital ang misis nito. Ipinagpaliban sa Oktobre 20 ang arraignment ni Lee na mayroong inihaing motion to quash information sa korte.
Si Lee at Peliglorio ay sinampahan ng kasong malversation at graft kaugnay ng pangungutang ng P23.47 milyon para sa ipatatayong palengke na hindi naman natuloy.
Bukod dito ang kompanya ni Lee na Izumo Contractors ay nahaharap sa P194.47 milyong tax evasion case. Sumikat si Lee matapos na bugbugin umano si Vhong Navarro sa condo ng modelong si Deniece Cornejo.

Read more...