Ted Failon dapat daw gawing traffic czar; MMDA chair Tolentino dapat sibakin na | Bandera

Ted Failon dapat daw gawing traffic czar; MMDA chair Tolentino dapat sibakin na

- August 27, 2015 - 03:09 PM
PAYAG ka bang maging traffic czar ang broadcast journalist na si Ted Failon. Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, si Failon ang tamang tao para mapatino ang problema sa trapiko sa kamaynilaan.

Dahil dito, nais niyang irekomenda si Failon na i-appoint ito bilang traffic czar.

“Mr. Failon knows the problems and has been articulating sound solutions to our annoying traffic problem. Failon is exposed to the problems, knows the stakeholders and familiar with government procedures,” ayon kay Erice, na isang miyembro ng Liberal Party.

“Ted is perfect. He can rally the motorists to cooperate and follow traffic rules,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Erice ang suhestyon, isang araw matapos umani ng matinding pagbatikos si MMDA chairman Francis Tolentino dahil sa ginawa nitong pagtatrapik malapit sa Ateneo de Manila University sa Katipunan, at sa harap ng isang shopping mall sa Edsa.  Si Tolentino ay nagbabalak tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng LP.

Maging si Failon ay todo ang naging pagbanat kay Tolentino dahil sa ipinaalam pa nito sa media ang gagawin nitong pagta-trapik.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending