PNoy humingi ng pang-unawa sa nararanasang trapik sa MM | Bandera

PNoy humingi ng pang-unawa sa nararanasang trapik sa MM

Bella Cariaso - August 27, 2015 - 02:38 PM

pnoy1
MISMONG si Pangulong Aquino na ang humingi ng pang-unawa sa publiko sa problema sa trapik sa bansa matapos namang umaray maging ang negosyante.

“Aaminin ko po: Lahat ng problema, gusto nating tugunan—at kung puwede, nagawa na sana natin ito kahapon pa. Pero may mga limitasyon sa kung ano ang maaari nating gawin, at hindi naman puwedeng agad-agad ang pagpapatupad sa isang hakbang. Nagsisikap nga tayong tugunan ang lahat ng kayang tugunan, at ang panawagan ko po: Makiisa at dagdagan ang pang-unawa at pasensiya. Sa inyo namang pakikiambag, masisiguro nating sabay-sabay tayong uunlad,” sabi ni Aquino sa kanyang talumpati sa Rizal Technological University sa Mandaluyong City.

Nauna nang inilunsad ang isang signature campaign para ipanawagan ang pagbibitiw ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino dahil naman sa kabiguang maibsan ang problema sa trapik sa Metro Manila.

Umalma na rin ang grupo ng negosyante sa problema sa trapik sa Kalakhang Maynila.

Idinagdag ni Aquino na patuloy na sinosolusyunan ng gobyerno ang problema sa trapik.

“Ang ideyal na sitwasyon: Dagdagan ang mga tulay at palawakin ang mga kalye; pero maski ito po, aabutin nang ilang taon para maipatupad at katakot-takot pa ang diskusyon, lalo na sa usapin ng right of way,” ayon pa kay Aquino.

Sinabi pa ni Aquino na hinihintay na niya ang iba’t ibang plano para maibsan ang siksikan ng mga sasakyan.

“Ang akin po: Ang pinakaradikal dito ay hatiin ang bilang ng bumibiyaheng sasakyan—salitan ang pagbabaybay ng odd at even na plaka sa ating mga kalsada kada linggo. Pihadong luluwang ang trapik dahil kalahati ng sasakyan ang mawawala, pero sigurado pong marami na namang aalma dahil hindi magagamit ang kotse nila,” ayon pa kay Aquino.

Sinabi naman ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na matapos ang direktiba mula kay Aquino, nagsasagawa na ng konsultasyon si Cabinet Secretary Jose Rene Almendras.

“Upon the President’s instructions, Cabinet Secretary Jose Rene Almendras has been conducting consultations with various stakeholders to integrate action proposals from the Metro Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways, the Department of Transportation and Communications, and the Philippine National Police,” sabi ni Coloma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending