Mga miyembro ng INC sumugod sa DOJ, nag-rally
TINATAYANG 300 miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang nagsimulang magtipun-tipon sa harap ng Department of Justice sa Padre Faura st., sa Maynila, para sa inaasahang rally.
Ayon kay Superintendent Albert Barot, commander ng Manila Police Station 5 (Ermita), nagsimulang magtipon ang mga tao sa harap ng DOJ alas-11:30 ng umaga Huwebes.
Nagkataon din na nagdiriwang ng kanyang kaarawan si Justice Secretary Leila de Lima sa kanyang tanggapan na dinaluhan ng ilan pang matataas na opisyal ng pahalaan.
“May hinihintay na lang ata sila na speaker,” ayon kay Barot.
Tiniyak naman ni Barot na hindi ilegal ang pagtitipon ng grupo dahil may koordinasyon umano ito sa kanila.
“May coordination naman sila sa amin,” ayon sa opisyal, sabay dagdag na inaaasahang maookupa ng mga raliyista ang Padre Faura st. na magpapatindi rin ng trapiko sa lugar.
Sinasabing ang rally ay may kinalaman sa reklamong illegal detention na isinampa sa mga opisyal ng INC ng dati nilang mga miyembro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.