SINABI ng Palasyo na hindi dapat makalimot ang publiko kaugnay ng martial law noong panahon ni yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos matapos namang mag-sorry si Sen. Ferdinand “BongBong” Marcos sa mga biktima ng human rights.
Idinagdag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na libo-libo ang naghain ng petisyon sa Human Rights Violations Claims Board.
“Mayroong Bantayog ng Kagitingan sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue na nagpapaala sa bansa na maraming napaslang at naging biktima ng karahasan sa panahon ng martial law,” sabi ni Coloma.
Ito’y matapos namang humingi ng paumanhin si Marcos sa mga naging biktima ng martial law.
“Sana’y magsilbing paalala ito hinggil sa mga tunay na kaganapan sa panunungkulan ni pangulong Ferdinand Marcos,” dagdag ni Coloma.
Palasyo sinabing hindi dapat makalimot sa martial law
READ NEXT
Negosyong magbibigay ng suwerte
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...