Negosyong magbibigay ng suwerte

Sulat mula kay Janice ng San Agustin St., La  Carlota City, Negros
Occidental
Dear Sir Greenfield,
Binigyan po ako ng kaunting puhunan ng anak ko na nagdya-Japan at sa ngayon balak kong magnegosyo. Isinilang ako noong Enero 17, 1969 at Oktubre 23, 2972 naman ang mister ko. Ano po ba ang suwerteng negosyo para sa amin? Ang balak kasi ng mister ko ay bumili ng kambing at baka, susuwertehin kaya kami sa ganoong negosyo? Ang balak ko naman ay magtayo ng tindahan. Sana mapayuhan nyo kami kung saan dapat dalin ang pera upang pag-uwi dito ng anak ko ay makita niyang napalago namin ang aming negosyo ng sa ganon ay hindi na kami aasa pa ng asa sa kanya at hingi ng hingi ng pera gayong wala naman kaming ginagawang paraan upang kimita.
Umaasa,
Janice ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing sadyang matambok at malaman ang Bundok ng Saturno sa iyong palad (Illustration 1.). Ito ay nagpapahiwatig na sa negosyong tindahan o paghahayupan, tulad ng naisip ninyo ng mister mo, at pupuwede din ang mga agricultural products – mabilis ang magaganap, sa nasabing kalakal kayo aasenso at uunlad.
Cartomancy:
Eight of Diamonds, Ten of Diamonds at Ace of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagmumungkahing kung magnenegosyo kayo at hawak nyo na ang perang pang-puhunan, mas makabubuting ngayong buwan ng Agosto, o kaya’y Oktubre nyo simulan, at puwede din sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Enero. Kung saan, ang nasabing mga buwan ang suwerte para sa inyong mag-asawa na magsimula o magbukas ng negosyo upang tuloy-tuloy na sumagana at umunlad ang in- yong kabuhayan.
Itutuloy…

Read more...