Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.1 ang Bohol kaninang madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naramdaman ang lindol alas-3:55 ng umaga at ang sentro nito ay natunton 34 kilometro sa kanluran ng bayan ng San Miguel. May lalim itong 21 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa San Miguel.
Walang inaasahang aftershock at napinsala sa naturang paggalaw.
MOST READ
LATEST STORIES