Duterte hindi talaga tatakbo sa 2016 | Bandera

Duterte hindi talaga tatakbo sa 2016

- August 26, 2015 - 03:58 PM

duterteMULING iginiit ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo bilang presidente sa 2016 polls sa kabila naman ng pag-iikot sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sa isang roundtable interview sa mga Inquirer editors noong Martes ng gabi, niliwanag ni Duterte na isinusulong lamang niya ang federalism sa kanyang pagbisita sa mga lugar sa Pilipinas.

“I have never thought of what I would do if I become President because I never intended to be one. Wala akong ambisyon,” sabi ni Duterte.

Hinihintay naman ng marami ang pagdedeklara ni Duterte na siya ay tatakbo sa pagkapangulo matapos naman ang pag-iikot sa iba’t-ibang lugar.

“Itong institution ng presidency, wala ka talagang magagawang tama diyan. One year na nandiyan ka, puro pagnanakaw ang ibabato sa’yo,” dagdag ni Duterte. “All the idiotic things that a president should not do, you will be doing when you are in office.”

Sinabi pa ni Duterte na hindi na magbabago ang kanyang desisyon kahit pa umangat siya sa survey.

“If I become no. 1 tomorrow, it would not mean anything to me,” aniya.
“I have to overcome the objections of my family. Dalawa ang asawa ko, dalawa ang ayaw,” sabi pa ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending