James nakipag-date sa Brazilian model habang nasa ospital si Nadine

james reid

Talagang pang-love team lang ang tambalan nina James Reid and Nadine Lustre.

Walang choice ang fans nila kundi tanggapin na lang na hindi type ni James si Nadine. Na walang paggalang si James sa kanilang love team.

Just recently, during the Ariana Grande concert, James was spotted with his lovely date, Brazilian model Nath Perrier. Enjoy na enjoy ang dalawa sa date nilang iyon.

Actually, hindi lang naman daw sa concert nag-date ang dalawa. They were spotted many times sa mga bars, mga sosyal na bar, ha, tulad ng The Palace Pool Club.

Nakunan nga ang dalawa sa nasabing bar na magkasama and enjoying each other’s company. So where’s Nadine while James is busy partying? Nasa ospital yata kasi na-over fatigue.

Tama nga ang friend namin na nagsabing walang pakialam si James sa kanyang ka-love team. Talagang ginagawa niya ang makapagpapasaya sa kanya, keber na magalit sa kanya ang kanilang fans.

Sa mga naglabasang photo ni James kasama ang Brazilian model, tiyak na mapapagalitan na naman siya ng kanyang manager.

Read more...