Derek, Coleen walang arte, nagpaka-wild sa kama

derek ramsey

Matitindi raw ang love scenes nina Derek Ramsay at Coleen Garcia sa pelikulang “Ex With Benefits” at bolder daw ito kaysa sa “No Other Woman” na kumita noong 2011 ng mahigit sa P300 million.

Ayon kay Derek, “Ito (ang mas daring), kasi ibang level ito. Mayroon kaming mga bed scene noong bata pa ako, may bed scenes na lasing kami, may bed scene na making love, ang daming wild (scenes), kasi we have a few bed scenes and scenes na pader lang ang ginagamit kahit na walang hubaran ang sexy at intense pa rin, talagang sobra-sobra.”

May nagtanong kung nagawa na ni Derek ang makipag-love scene sa pader sa ex-girlfriends niya. “Ha-hahaha! Secret, I can be very creative!”

Sabi pa ni Derek bukod sa “pader love scene”, “Mayroon din sa bathtub, it’s cute, mayroon din kami sa kusina, living room to the bedroom, and to the bed.”

Samantala, natanong si Derek kung anong klaseng boyfriend siya at kung ano ang pagkakapareho nila ng karakter niya sa “Ex With Benefits”, “My character is Adam, were so different in many ways but si- milar din I guess, one way is, hindi siya gumi-give-up sa relationship, alam n’yo naman ‘yan.

“Pag nagmahal siya (Adam), ibi- nubuhos niya lahat, makikita n’yo ‘yun sa pelikula. Ganu’n din ako sa totoong buhay, ipaglalaban ko (love), pero kung talagang wala na, wala na,” kuwento ng aktor.

Mapapanood na ang “Ex With Benefits” sa Sept. 2 mula sa Star Cinema at Viva Films sa direksiyon ni Gino Santos.

Read more...