Sulat mula kay Erika ng Pandol, Corella, Bohol
Problema:
1. Matagal na po akong nagpaplano na mag-abroad pero hindi po ako matuloy-tuloy, laging may hadlang sa plano ko. Kaya sa nga- yon ay naisipan kong komunsulta sa inyo upang itanong kung sa kasalukuyan ay matutuloy na kaya ako. Ang apply ko po ay D.H. sa Dubai at may tumutulong naman sa akin.
2. Sa palagay n’yo matutuloy na kaya ako at kung matutuloy kailan kaya at kung matutuloy ako na makaalis papalarin kaya ako sa abroad at magkakaroon ng mabait na amo? December 14, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Erika ng Bohol
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang babaeng tumutulong sa iyo u- pang makapag-abroad ay isinilang sa zodiac sign na Aries o kaya’y Leo ay tiyak ang magaganap. Tulad ng nasabi na sa Cartomancy at Palmistry, sa pagitan ng mga buwan ng Agosto hanggang Disyembre ngayong taon, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing sa sandaling nasimulang makapag-abroad ka nang isang beses o nang unang beses, tuloy-tuloy na ang magaganap—lagi-lagi at paulit-ulit ka ng makapag-aabroad hanggang sa umunlad na ang aspetong pang kabuhayan ng inyong pamilya.
Graphology:
Ang pag-aanalisang magiging maayos ang kalagayan mo sa abroad ay madali namang pinatunayan at kinumpirma ng maganda mong lagda—hindi nababoy at hindi naburara! Ito ay nagpapatunay habang nagkaka-edad ka, lalo pang gaganda ng gaganda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Erika, ayon sa iyong kapalaran, basta’t magtiyaga-tiyaga ka lang mag-apply sa kasalukuyan at laging magkaroon ng positibong kaisipan, tiyak ang magaganap tulad nang paulit-ulit na nasabi na —sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Agosto o kaya’y Oktubre bago sumapit ang edad mong 33 ay may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan na magiging dahilan at siya na ring magiging simula upang ang buhay n’yo at ang buhay ng inyong pamilya ay tuloy-tuloy nang uunlad sa aspetong pananalapi/