Ano ang gagawin kung ma-deny ang claim?

AKO po si Lorna dela Torre. Namatay ang asawa ko habang nagtatrabaho sa isang garment factory.

Naisubmit ko na po ang mga kinakailangang requirements kasama na ang medical record. Nakapag-claim na rin po ako ng funeral benefits niya sa SSS, pero ang claim sa ECC na nai-submit na po sa SSS ay hinihintay ko pa rin. Paano po kung na-deny sa SSS ang claim sa ECC? Ano ang dapat kung gawin?

Napakahalaga po ng pera kaya sana ay makuha ko na ang benepisyo para sa aking dalawang anak. Sana ay matulungan ako ng Aksyon Line.

Lorna dela Torre
Blk 240 Lot 1 Area D Sta. Cruz IV, Sapang Palay, CSJDM, Bulacan

Kung nakapag-file na ng EC claim sa SSS at kapag pinagbigyan ang EC claim, ang claimant ay maaaring makakatangap ng kanyang EC benefit sa SSS. Pero sakali namang ma-deny ang EC claim sa SSS branch ay pwede pang mag file ng motion for reconsideration sa SSS main office ang claimant.

Kapag na-deny pa rin ang EC claim sa SSS main office ay pweda pang umapela sa Employees’ Compensation Commission ang claimant

Isama sa claim ang documents na denial ng SSS at gumawa ng sulat para sa apela ng kaso sa ECC. Maaring ipadala ang sulat kay Ms Estella Banawis, executive director ECC office sa 355 Gil puyat Ave., Makati city.

Ms. Cecille Maulion
IPAD chief
Employees
Compensation
Conmission (ECC)

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...