Horoscope, August 26, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Anuuman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag mong guluhin ang iyong isipan sa mga problemang hindi ka naman kasangkot. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 3, 17, 26, 34, 42 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Green at orange ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)- Anuman ang suliranin ang dumating hindi ka dapat magpaapekto sa kalungkutan. Manatiling masaya upang dumami ang pera. Sa pag-ibig, kahit na naiinis sa kasuyo dapat mo siyang ngitian upang muling uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 9, 13, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Iintelligam.” Red at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Kung lagi kang nagmamahal, hindi ka lang susuwertehin sa pakikipagrelasyon, papalarin ka rin sa larangan ng materyal na bagay. Tandaan ang tapat at dalisay na pag-ibig ang magdadala sa masaganang kapalaran. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Est-Quia-Certum.” Red at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Sa pinansiyal, sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Maging palabati sa mga kakilala. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon basta’t amoy shampoo at bagong paligo ka. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Blue at black ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Tubig ang iyong suwerte. Sa produktong matubig at mara- ming likido ka papalarin. Sa pag-ibig, upang lalong mag-init ang pagmamahalan ay yayain ang kasuyo na maligo sa ulan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vid-Hunan-Vid-Hunan-Om.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Sa pinansiyal, “araw na may walong sinag” ang gawing simbolo sa iyong itatayong negosyo. Sa pag-ibig, kulay na dilaw, ang magpapalakas ng iyong sex appeal. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Bukod sa dilaw buenas din ang orange.

Virgo – (August 23 – September 22) – Umiwas muna sa social gathering, gastos lang ang mapapala mo sa mga gawaing ito. Sa pag-ibig, imbes na makiumpok sa mga kasiyahan, ituon ang oras at panahon sa kasuyong Libra. Mapalad ang 8, 12, 16, 24, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Sa pag-ibig, iwaksi sa isipan ang labis na kahalayan, puro pagkakaperahan ang dapat mong isiping mabuti at pagkaabalahan. Mapalad ang 4, 12, 23, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nemo-Me-Impune.” Red at black ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Mag-ingat sa isang taong mataba, siya ang sa iyo ay lilinlang. Mas dapat na magtiwala sa isang matangkad na payat. Sa pag-ibig at pinansyal, isang may kayumangging kulay na medyo maliit ang magdadala ng suwerte. Mapalad ang 8, 17, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Violet at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Matamlay ang panahon kaya magiging matamlay din ang kapalaran. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangan n’yong matuklasan, upang muling uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Om.” Red at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Nakatakda sa kapalaran mo ang yumaman, ang kailangan lang ay sumiksik sa kukote mo ang pagiging materyoso. Sa pag-ibig, wag nang pansinin ang kasuyong nangungulit, gusto ka na naman niyang isahan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at gold ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – May imoral na relasyong nagbabanta. Ingat mabuti sa pagpili ng mamahalin. Sa pinansyal, sa produktong butil tuloy ang dating ng maraming salapi. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Beige at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – May topak ka na naman! Wag hayaang madaig ng sumpong ang wisyo. Sa pag-ibig, ingat sa pagsasabi ng totoo sa bandang huli yan pa ang ikapapahamak mo. Sa pinansyal, habang patuloy ang tag-ulan, patuloy din ang pag-angat ng kabuhayan. Mapalad ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Nulli-Secudeva.” Green at pink ang buenas.

Read more...