Lady official nabuntis ng close-in bodyguard

NAGBUNGA ang may ilang taon na ring pag-iibigan ng isang byudang elected official at ng kanyang may-asawang bodyguard.

Kung dati ay bulong-bulungan lamang sa kanilang lalawigan sa Northern Luzon ang mala-you-against-the-world na love story ng dalawa, ngayon daw ay lantaran na itong ipinakikita sa publiko.

Wala na nga namang maitatago dahil lumobo na ang tyan ni Madam na ang balita ng ating cricket ay malamang na hindi na muna umattend sa kanyang mga trabaho para hindi siya maging sentro ng tsismisan ng kanyang mga ka-opisyales.

Si Madam ay matagal na rin namang byuda makaraang mapatay sa ambush ang kanyang mister na dati ring government official sa kanilang magulong lalawigan.

Dahil sa isyu ng seguridad kaya nagdagdag ng bodyguards ang pa- milya ni Madam na isa sa kinatatakutang political clan sa Luzon.

Ayon sa ating cricket, matikas ang ibinigay na bodyguard kay Madam na lagi niyang kasama kahit saan siya magpunta.

Sa halos araw-araw nilang pagsasama ay na-develop ang dalawa.

Si Madam ay walang sabit pero si Bodyguard ay malaki ang problema dahil siya ay may-asawa at mga anak.

Tiyak na gagamitin ng kanilang mga kalaban sa pulitika ang isyung ito kaya ngayon pa lamang ay nagp-plano na ang buong pamilya ni Madam kung paano maitatago ang iskandalong ito sa kanilang mga constituents.

Bata pa naman si Madam na nasa late 30s pa lamang kaya malayo pa ang kanyang pwedeng marating sa larangan ng pulitika.

Hindi naman pwedeng pakialaman ng tatay ni Madam ang love story ng kanyang anak dahil abot-langit daw ang pag-ibig ni Madam sa kanyang maskuladong Bodyguard.

Ang nakikitang paraan ng kanyang pa- milya para maitago ang pagbubuntis ni Madam ay papuntahin muna ito sa ibang bansa.

Saka na lang daw isipin ang mga susunod na plano kapag nailabas na ang baby.

Ang elected official na ngayon ay nagdadalang-baby courtesy ng kanyang may-asawang Bodyguard ay si Miss B.J. as in Baby Jack.

Read more...