Mag-asawa kinatay ng manugang

quezon
Nasawi ang mag-asawang matanda nang pagtatagain ng manugang sa loob ng kanilang bahay sa San Narciso, Quezon, kahapon ng gabi.

Agad ikinasawi nina Absalon Dumos at misis niyang si Teresita, kapwa 62, ang taga sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Naganap ang insidente sa Purok 4, Brgy. Villa Reyes, dakong alas-9:30.

Pinasok ni Henry Arcenal, manugang ng mga Dumos, ang bahay ng mag-asawa at bigla silang pinagtataga gamit ang dalang itak, ayon sa ulat.

Lumabas sa imbestigasyon na lasing noon ang suspek, pero bukod dito’y di pa mabatid kung anong nagtulak sa kanyang patayin ang mga biyenan.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek, na sinasabing tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa masukal na bahagi ng Brgy. San Vicente matapos ang insidente.

Read more...