NASUNOG ang 30 kabayahan samantalang 11 baboy ang nalitson, matapos sumiklab ang sunog sa Purok Lampirong, Barangay 2, Bacolod City, ganap na alas-12:45 ng hapon kahapon.
Sinabi ni Bacolod City fire marshal Senior Insp. Publio Ploteña na inaalam pa ang naging sanhi ng sunog.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bacolod Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahay ni Crizelda Brezuela.
Pawang gawa sa magagaang materyales ang mga natupok na mga kabahayan.
Nagtamo naman ng mga bahagyang sugat ang mga residente matapos ang insidente.
Nalitson naman ang 11 baboy, samantalang malubha naman ang mga kondisyon ng iba pang mga baboy.
Nakaligtas naman ang iba pang baboy matapos tumalon sa kalapit na ilog.
Nag-iyakan naman ang mga residente dahil sa pagkawala ng kanilang mga alagang baboy.
Samantala, dinala naman ang mga nasunog at mamatay nang mga baboy sa slaughterhouse para makabawi sa lugi.
Pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente sa Purok Lampirong ang pag-aalaga ng baboy.
30 kabayahan nasunog; 11 baboy nalitson sa Bacolod City
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...