Bangkay nilapa ng aso

apayao
Patay na at kinakagat-kagat pa ng mga aso nang matagpuan ang isang matandang lalaki ilang araw matapos siyang mawala sa Pudtol, Apayao, iniulat ng pulisya kahapon.

Natagpuan ang bangkay ng 92-anyos na lalaki Linggo ng umaga sa Sitio Lalangan, Brgy. Lydia, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Sinabi sa pulisya ng mga nakatagpo na habang tumutulong sa paghahanap sa nawawalang matanda ay napansin nila ang dalawang aso na may kinakagat, at nang tingnan kung ano ito’y nakilala ang lalaki.

Wala na ang kanang binti at ilang bahagi ng katawan ng matanda habang ang ilang bahagi ng balat ay tila pinilas, ayon sa ulat.

Lumabas sa imbestigasyon na umalis ang matanda sa bahay nito sa kabilang barangay noon pang nakaraang Huwebes at mula noo’y di na nakauwi.

Dahil doo’y humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang anak na babae ng matanda para hanapin ang ama, hanggang sa matagpuan ang bangkay nito. (John Roson)

bc

Read more...