Pemberton inaming sinakal si Jennifer Laude hanggang sa mamatay

23pemberton
INAMIN kahapon ni US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton na sinakal niya si Jennifer Laude hanggang sa mamatay matapos madiskubre na siya ay lalaki rin.

Ginawa ni Pemberton ang pag-amin sa pagdinig kaugnay ng pagpatay kay Laude sa Olongapo City Regional Trial Court Branch 74.

Sinakal at kinaladkad ni Pemberton si Laude matapos madiskubre na siya ay transgender, ayon sa abogado ng pamilya Laude na si Harry Roque.

Noong Mayo, sinabi ni Philippine National Police medico-legal officer at pathologist Dr. Maritess Ombao na namatay si Laude dahil sa sakal at asphyxia dahil sa pagkakalunod.

Inakusahan si Pemberton na siyang nasa likod ng pagpatay kay Laude matapos siyang matagpuan sa patay sa bathroom ng isang motel sa Olongapo City.

Itinuro ng isang bellboy si Pemberton na siyang kasama ni Laude bago matagpuan ang katawan nito noong gabi ng Oktubre 11, 2014.

Inihain ang kasong murder noong Disyembre noong isang taon.

Kasalukuyang nakakulong si Pemberton sa pasilidad ng JUSMAG sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP) headquarters sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Read more...