Sa ibang bansa makakatagpo ng true love (2)

Sulat mula kay Joanne ng Poblacion, Claveria, Misamis Oriental
Problema:

1. May trabaho naman ako sa ngayon bilang isang lady guard kaya lang balak ko ng mag-resign at lumipat sa ibang agency o kaya’y mag-apply sa abroad. Sa ngayon imbis na lumaki ang suweldo ko dati ay may over time ako lalong lumiit kasi nawalan ako ng over time. Kaya ang nangyayari laging kapos ang suweldo ko sa pangangailangan ng aking pamilya.
2. Nais ko ngayong malaman kung tama ba ang desisyon kong mag-resign at sa abroad na lang ako mag-trabaho o sa ibang security agency na nag-o-offer nang mas malaking suweldo? At sa edad ko pong 36 na sa darating September 14, may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa kahit na ako ay isang single mom na may dalawang anak na parehong nasa elementary na nga- yon? September 14, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Joanne Misamis
Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing kahit na single mom ka sa ngayon kapag natuloy ka sa abroad sa ibayong dagat isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus ang i- yong makikilala, siya ang magiging true love mo hanggang sa tuluyan na ring mapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing hindi ka lang sa career susu- wertehin sa abroad bagkus sa ibayong dagat papalarin ka rin sa larangan ng pakikipag-relasyon at pag-ibig.
Luscher Color Test:
Upang laging mapanatili ang magandang kapalaran kahit na nasaang lugar ka, ugaliing magsuot ng kulay na silver, pink, gray, at asul. Ang nasabing mga kulay ang hahatak ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa susu- nod pang mga taon ng i- yong buhay.
Huling payo at paalala:
Joanne ayon sa iyong kapalaran nakaayos na ang lahat ng magaganap. Kung saan, kaya ka kinakapos ng suweldo sa ngayon upang maobliga kang mag-apply sa abroad, at kaya ka naman pinag-aabroad ng tadhana upang doon ay ma- kilala mo ang isang lala- king Taurus na kahit na single mom ka, iibigin ka nya ng tapat at totohanan na sa bandang huli siya na nga ang nakatakdang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Read more...