Buwis sa balikbayan box paiimbestigahan

balikbayan
Paiimbestigahan sa Kamara de Representantes ang nais ng Bureau of Customs nabuwisan ang mga balikbayan boxes na ipinapadala ng mga overseas Filipino workers sa bansa.
Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo ang Kongreso lamang ang maaaring magpataw ng buwis at walang ganitong kapangyarihan ang BoC.
“In the first place, Balikbayan boxes are duty and tax-free packages designed for overseas Filipino workers sending home gifts to their families,” ani Castelo. “For the most part, what’s inside the box are household items and goods that are generally exempt from duties.”
Sinabi ni Castelo na kung nais ng BoC na tumaas ang kita nito, ang kailangan nilang gawin ay sugpuin ang smuggling at korupsyon sa kanilang ahensya.
Maghahain naman ng resolusyon ngayong araw sina Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Carlos Zarate para paimbestigahan ang BoC.
“It is not good that while tons of garbage and smuggled contrabands enter the country the BOC would train their sights on OFWs and their families,” ani COlmenares.
Giit naman ni Buhay Rep. Lito Atienza hindi buwis ang dapat na ipalit sa pagiging bagong bayani ng mga OFW.
“We owe our hardworking and productive countrymen a lot of gratitude for their hard-earned taxes and remittances that are keeping the Philippine economy afloat. They should be accorded privileges and support — not the usual Customs harassment and razzle dazzle,” dagdag pa ni Atienza.

Read more...