Unti-unti ng nabubuo ang senatorial lineup ng tambalan nina Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero.
Ayon sa isang source isang ‘unity senatorial ticket’ ang mabubuo sa ilalim ng Poe-Escudero dahil mula ito sa iba’t ibang partido politikal.
Posible umanong makasama rito sina Sen. Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Ralph Recto, Taguig Rep. Lino Cayetano, Leyte Rep. Martin Romualdez, Las Piñas City Rep. Mark Villar, Valenzuela City Rep. Win Gatchalian, Manila City Vice Mayor Franciso Domagoso o Isko Moreno, at Technical Education and Skills Development Authority director general Joel Villanueva.
Isang source na malapit kay Poe at Escudero ang nagsabi na pipili ang dalawa ng senatorial candidates batay sa paglilingkod na ginawa ng mga ito.
“May mga pag-uusap ng ginawa para sa mga nais na sumama sa senatorial lineup kung tutuloy ang dalawa,” saad ng source.
Si Poe ay kinukuhang running mate ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas na siyang inaasahang kandidato ng administrasyon sa 2016 presidential elections.
MOST READ
LATEST STORIES