April Boy gumaling sa cancer pero bulag na ang isang mata

april boy

Matapos ang kanyang panandaliang pagreretiro ay pumirma ng kontrata sa GMA Records ang Pambansang Idol ng Masa na si April Boy Regino para sa isang inspirational album.

Ngunit kasabay ng good news na ito ay ang pagbubunyag na dahil sa kumplikasyon ng sakit na diabetes ay bulag na ang isa niyang mata habang 50% na lang ng kabilang mata niya ang nakakakita.

Ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho, kukumustahin ni Jessica Soho si April Boy at aalamin kung paano siya nagpapakatatag sa mga pagsubok kahit pa sa mga bagay na di niya kayang tanggapin.

Tampok din ngayong Linggo ang ilang mga bagong bumibida pagdating sa sayawan, ang mga beki ng Caloocan at ang traffic enforcers ng Tagum, Davao del Norte; at ang estudyanteng kaboses daw ni Papa Dudut ng LSFM.

Mapapanood lahat ng ito at marami pang iba sa Kapuso Mo, Jessica Soho tonight after Ismol Family sa GMA.

Read more...