Paulo Avelino sa bashers: Sampalin sana kayo ng karma!

paulo avelino

Paulo Avelino seems to have been pissed off by bashers. Magkasunod kasi ang tweets niya about them.
“Silence doesn’t always mean ‘yes’. Sometimes it means, ‘I’m tired of explaining to people who don’t even care to understand.’”

“I hope karma slaps you on the face before I do.” Kaloka itong si Paulo, talagang patola. Anyway, eto naman ang sagot sa kanya ng mga tao sa social media.

“Excuse me Paulo, public figure ka, bakit ka binabash kasi may nakikita siguro na Hindi tama. Baka naman mga constructive criticisms yung iba.”

“Ewan ko sayo Paulo! Atupagin mo nalang yung anak mo! At bawas bawasan mo pagiging tomador mo! Hahaha.” ‘Yung isa naman, itsinika ang personality ni Paulo and said, “Well, sabi nila mahiyain siya pero may mga tsismis din na moody siya.

Sobrang unpredictable kasi ni Paulo. Alam mo naman ang mga weirdo. Hindi mo alam kung ano ang nagpapatakbo sa kanilang isip o anong nagpapasaya sa kanila.

Paulo is full of obscurity. Parang siyang jigsaw puzzle na hindi mo basta-basta mabubuo dahil pahihirapan ka muna.”

May kumampi naman sa actor at sinabing, “Dapat lang naman kasing bigyan ng hangganan ang bashers na wala nang pinagkaabalahan sa buhay kundi ang tumambay sa social media.”

Read more...