Sulat mula kay Sabrina ng Ginsangan, Sto, Niño, South Cotabato
Problema:
1. Mula pagkabata ay mahirap na kami, kaya naman naaksidente na nakapag-asawa ako ng maaga, kasi bigla akong nabuntis ng boyfriend ko. Noong nagkaroon ako ng sariling pamilya akala ko ito na ang simula upang makaahon ako sa kahirapan dahil ng panahong iyon may maganda namang trabaho ang mister ko. Kaya lang dalawang taon lang naging maligaya ang buhay ko sa piling nya, ng mag-aapat na taon na ang anak naming panganay nagsimula ng magbago ang pag-uugali nya, hanggang sa tinamad siyang magtrabaho at puro sugal at bisyo na lang ang ginawa.
2. Sa ngayon hirap na hirap ang buhay namin, tatlo na ang anak namin at puro ako ang inaasahan sa paglalabada. Sa palagay nyo sa ganitong sitwasyon ng buhay namin sa ngayon makaka-ahon pa kaya kami sa kahirapan? July 17, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Sabrina ng South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing ang anak mong isinilang sa zodiac sign na Virgo ang makapag-aabroad o kung saan man, kung Virgo ang zodiac sign ng mister mo, kahit bisyoso siya sa ngayon, sa taong 2020 may pangingibang bansang itatala sa kanyang karanasan.
Numerology:
Ang birth date mong 17 ay nagsasabing, kung 2015 sa ngayon, at sa 2020 ay may makapag-aabroad na miyembro ng inyong pamilya, ibig sabihin humigit kumulang 5 years ka na lang maghihirap at magtitiis. Pansamantala, habang hindi pa dumarating ang 2020, magtinda-tinda ka muna ng produktong pagkain, sa ganyang paraan medyo makakaraos ang inyong pamilya sa sobrang kahirapan.
Luscher Color Test:
Lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Sabrina ayon sa iyong kapalaran, tulad ng nasabi na may pambihirang paraan ang kapalaran, kung saan, isa sa mga anak mo ang magpa- patikim sa iyo ng ginhawa at pag-unlad. At ang magandang kapalaran na ito ay magsisimulang maganap sa taong 2020, sa edad mong 42 pataas, makapag-aabroad ang lalaking panganay mong anak, at ito ang magiging simula upang unti-unti na ka- yong makaahon sa kahirapan hanggang sa tuloy-tuloy ng umasenso at umunlad ang inyong pamilya.