Hindi namin napanood ang guesting ni Ryza Cenon sa Wowowin kaya nagulat kami sa long aria niya sa Facebook. “Before you judge try to know first what really happened.
The Wowowin episode where I guested was not live so marami na pong na-edit out doon. Sa totoo lang ayoko na pong patulan ito dahil wala naman akong dapat i-explain kasi alam ko naman po lahat ng totoong nangyari at alam po ito ng mga nandoon.
“Alam niyo na malaking bahagi po sa buhay ko ang LGBT. Dahil marami akong kaibigan sa kanila at hindi ko sila ikinahihiya.
Yung iba sa kanila ay tinuturing kong mga totoong kaibigan at nagpapasaya sa akin. Never ko silang binastos dahil mataas ang respeto ko sa mga LGBT.
“I’m not being rude I’m just being real. Don’t be ashamed of being gay, tao pa rin kayo katulad ko. You should be proud kasi you’re free to be yourself.
Hindi mo kailangan itago yun dahil sa mga taong judgmental. I’m so grateful na may mga kaibigan ako na LGBT dahil mas pinalawak nila yung pag iisip ko at pag unawa sa kapwa.
Mahal ko ang mga LGBT.? happy lang tayo. #wowowin #dontjudgeme.” One guy explained why Ryza is now being talked about.
“Napanood ko yung Wowowin. Girl ako pero medyo na-off din ako sa diretsahang tanong nya sa isang contestant na, ‘Bakla ka ba?’ Sabi na mapapansin yun e. Walang mali sa tanong nya.
“Ang parang awkward lang is yung way ng pagtatanong (on national TV). Buti kung kanto friend mo lang yun. kaso hindi, so sana man lang ginandahan nya yung delivery or iniba nya yung words like yung usual na ‘May gf ka ba?’ E, BF?”