Arestado ang isang lalaki matapos magbenta ng P1.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu “university belt” ng Maynila kamakalawa (Huwebes) ng gabi.
Nadakip si Barhaman Mushin, 28, tubong Zamboanga City at residente ng Quezon City, dakong alas-6:40, sabi ni Superintendent Roque Merdeguia, tagapagsalita ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF).
Dinampot ng mga elemento ng AIDSOTF si Mushin matapos niyang bentahan ng aabot sa 1.5 kilo o halagang P1.5 milyon ng hinihinalang shabu ang isang undercover operative sa Tolentino st., Sampaloc, ani Merdeguia.
“The sting operation came after a week of intensified case build up operations against the suspect who, according to an informant,
caters to street drug pushers and users in the university belt,” aniya.
Una’y P1 milyon shabu lang ang hiniling na bilhin ng mga operatiba kay Mushin, pero nang dumating ito’y 1.5 kilo ang dala at inalok pa ang “pasobra” sa undercover agent, ani ani Merdeguia.