’Di regular ang hulog sa PhilHealth

DATI po akong regular member ng PhilHealth noong ako ay may regular na trabaho pa pero noong April, 2014 ay nawalan na ako ng trabaho.

Nag voluntary contributions ako simula noong July 2014 pero hindi tuloy- tuloy ang pagbabayad ko. Ask ko lang po, sakaling i-confine ako dahil sa madalas na pananakit ng aking tiyan at hindi makuha sa gamot na ipinaiinom sa akin ng doctor na good for one month, pwede ko po ba etong magamit?
JR Rosales

REPLY: Sa general rules ng PhilHealth, kailangang may tatlong buwang hulog sa loob ng anim na buwan bago maospital o ma-confine o bago pa man ito gamitin

Dapat ay itinuloy tuloy mo ang pagbabayad ng iyong Philhealth contributions upang hindi nagkaroon ng puwang sa record.

Napakahalaga na tuloy tuloy ang pagbabayad dahil hindi naman natin alam o walang makakapagsabi kung kailan tayo magkakasakit.

Sa kasalukuyang patakaran mas pinaiksi ng Philhealth ang pagbabayad ng contributions dahil noon 9 months contributions prior to confinement ang kinakaila- ngan.

Mas mainam na ipagpatuloy ang pagbabayad ng contributions buwan buwan o maaaring every quarter.

Para sa Individual Payors:

Para sa monthly payment, ang deadline ay tuwing huling araw ng buwan

Sa mga quarterly payment:

1st Quarter: Deadline is March 31

2nd Quarter: Deadline is June 30

3rd Quarter: Deadline is September 30

4th Quarter: Deadline is December 31

Dr. Israel Pargas
OIC Vice-President For Corporate
Communications
PhilHealth

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...