TAMA na nga ang “my daughter” mo nang akusahan niya ang mga taga-Liberal na nasa likod ng pagsasampa ng kaso para hindi patunayang nagmula sa iyong sinapupunan ang “my daughter,” bigla ka namang umentra, at, tulad ng dati, dramatic pa, dahil premyado kang aktres, na SC (senior citizen).
Nati gilan tuloy ang mga nagsasaliksik sa law libraries at humihimay kay “my daughter” na sina Tik, Ojoj, Ibob, Tak, Lime, Ynot, Xela, Ney, Der at Otil. Itapat mo sa side mirror ang unang talata, tapakan mo ang silinyador, at mababasa mo ang kanilang mga pangalan, tulad ng ecnalubmA. Baka kasi sila naman ang talakan mo na pang-Famas.
Dapat nga ay sumang-ayon ka pa na idulog ang usapin sa Korte Suprema nang malaman ang pasya at tama. Nauunawaan ko ang pinagdadaanan ninyo, lalo na ang “my daughter,” kaya nga sinabi ni Ninong: Be prepared for dirty tricks. Kung malinis ang hangarin ni “my daughter,” marumi ang pinasok niyang politika. Dapat hindi balat sibuyas, kundi kuwero. Subukang mag-novena kay Santo Domingo de Guzman sa simbahan ng Santo Domingo o UST.
Si Santo Domingo ang nagtatag ng Order of Preachers, na kilala bilang Dominican Order. Wala siyang kapaguran sa paghahanap ng katotohanan, kaya nga tinawag siyang patron ng “falsely accused.” May istorya na ang malapit sa puso’t kapamilya ni Jose Rizal ay dumulog kay Santo Domingo nang pagbinta- ngan siya. Nakulong at nakalaya rin dahil sa marubdob at mataimtim na pagtawag kay Santo Domingo.
Katatapos lang ng kanyang kapistahan noong Agosto 8. At sa Ebanghelyo (Mt 17:14-20) sa kanyang kapistahan na binasa’t pinalawig sa mga simbahan sa Roma at Vatican, nangyayari ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng matatag na pananalig at taimtim na pananalangin. Nagmumula sa Diyos ang anumang katangian meron tayo, kaya wala ta- yong dapat ipagmalaki kundi ang ating kahinaan. Kapag iginugupo tayo ng kahinaan, lumalakas tayo dahil sa Kanyang kadakilaan.
Hindi angkop para mamayagpag ang politika sa paggunita ng kamatayan ni Jesse Robredo. Pero, gayon na nga ang nangyari sa Naga City, sa pangu-nguna nina BS Aquino at Roxas. At sa mismong sirkulo ni Leni ay tinawag pa siyang susunod na pa-ngulo, na tinanggihan naman ng balo’t mga anak. Susme. Muli, naglaho na nga ang magandang aral ng simbahang Katolika kina Aquino at Roxas, kung pinag-aralan nga nila ito bilang binyagan kay Kristo.
Sa Agosto 29 ay gugunitain ang pamumugot ng ulo kay San Juan Bautista. Hindi ito kapistahan kundi araw ng pagmumuni-muni, tulad nang ginagawa sa mga araw nina San Pedro Calungsod at San Lorenzo Ruiz. Nakalulungkot na imbes na ipanalangin ang katahimikan ng kaluluwa ni Robredo ay ginawa pa itong miting politikal. Kung ganoon pala sila, dapat ikampanya si “Ser Mar Ruxas” sa kamatayan ngayon ni Ninoy Aquino.
Sina Binay, Roxas at Llamanzares ay nananaginip (o binaba-ngungot) pa lang. Wala pang katiyakan ang kanilang mga hangarin. Wala pang katiyakan ang kanilang bukas. Pero, napaaga yata ang bangungot ni E- rap. Nagalit ang mahihirap kay Erap sa Maynila. Matindi na ang galit ng mahihirap kay Erap sa Quiapo, San Andres, Santa Ana, Sampaloc at Pandacan. Kapag naglaho ang pagmamahal, lumalabas ang pagkamuhi.
Bakit lumiit ang diskwento sa senior citizens sa Puregold Fairview Terraces sa Quezon City kesa Puregold Loma de Gato sa Marilao, Bulacan gayung parehong items lang ang binili? Dapat ipaskil ng Puregold ang diskwento sa bigas, tinapay, baboy, itlog, mantika, kandila, arina, geriatric diapers, baterya at bumbilya.
MULA sa bayan (0906-5709843): Ako’y taga-Patindig Araw, Imus, Cavite. Ako mismo ang humihingi ng kapatawaran at pasensiya sa inyo sa kapalpakan ni Abaya. Bago sumabak sa politika yan, kapitan na siya ng bapor de gera. Kahihiyan ang i- dinulot niya sa Caviteños y Caviteñas. …9880