Sulat mula kay Sabrina ng Ginsangan, Sto, Nino, South Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Mula pagkabata ay mahirap na kami. Nakapag-asawa rin ako ng maaga dahil bigla akong nabuntis ng boyfriend ko. Noong nagkaroon ako ng sariling pamilya ay akala ko iyon na ang simula upang makaahon ako sa kahirapan dahil ng panahong iyon may maganda namang trabaho ang mister ko. Kaya lang ay dalawang taon lang naging maligaya ang buhay ko sa piling niya. Noong mag-aapat na taon na ang anak naming panganay ay nagsimula nang magbago ang pag-uugali niya hanggang sa tinamad na siyang magtrabaho at puro sugal at bisyo na lang ang ginawa. Sa ngayon, hirap na hirap ang buhay namin, tatlo na ang anak namin, at paglalabada na lang ang aming inaasahan.
Sa palagay n’yo sa ganitong sitwasyon ng buhay namin sa ngayon ay makaka-ahon pa kaya kami sa kahirapan? July 17, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Sabrina ng South Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad. Tanda na kung hindi ikaw ang makapag-aabroad, sigurado na isa sa iyong mga anak o maaaring ang iyong mister ang biglang makapangingibang-bansa na magiging daan upang unti-unti na kayong makaahon sa kahirapan.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Five of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing ang taong 2020, kung hindi ang mister mo ang makapag-aabroad, tiyak na ang isa sa mga lalaki mong anak. Kaya kung 2015 sa ngayon, kapansin-pansin na five years ka na lang magtitiis at maghihirap. Pagkatapos nito ay sunod-sunod na pag-unlad ang mararanasan mo sa buhay.
Itutuloy