INAPRUBAHAN na ng tanggapan ng PBA commissioner ang paglipat ni Jervy Cruz sa Globalport.
Kapalit ng pagpunta ng 6-foot-4 power forward sa Globalport ay ang paglipat ni Jewel Ponferrada sa Rain or Shine kasabay ng second round pick ng Batang Pier sa 2015 Rookie Draft na gaganapin sa Linggo.
Anim na taong naglaro para sa Elasto Painters ang 28-anyos na si Cruz na isa sa inasahan ni Rain or Shine coach Yeng Guiao sa championship run nito noong 2012 Governors’ Cup.
Muli namang maka-kasama ni Cruz sa Globalport ang dati niyang coach sa University of Santo Tomas na si Pido Jarencio. Noong 2006 ay naihatid nina Cruz at Jarencio sa kampeonato ang Growling Tigers sa UAAP.
“Jervy’s championship experience is invaluable,” sabi ni Globalport team manager Bonnie Tan. “He’s a guy we really wanted and we want to recreate the magic he and coach Pido had back in UST.”