Exec: P367M nawawala sa Makati dahil sa ‘ghost’ senior citizens

Arthur Cruto

Arthur Cruto


SINABI ng isang opisyal ng Makati City na mahigit P300 milyon ang nawawala sa kaban ng lungsod dahil sa mga “ghost” senior citizens.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon subcommittee, sinabi ni Arthur Cruto, head ng Makati City Action Center, na ilan sa mga senior citizen ay dalawang taon nang patay, bagamat tumatanggap pa rin ng mga benepisyo.

Idinagdag ni Cruto na base sa inisyal na audit na isinagawa sa dalawang pinakamaliliit na barangay sa Makati, ang Barangay Kasilawan at Barangay Pinagkaisahan, nadiskubre nila na 40 porsiyento hanggang 50 porsiyento ng listahan ng mga senior citizen ang hindi matagpuan o wala na sa voters’ list ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi pa ni Cruto na 660 sa 1,095 na nasa listahan ng senior citizen o BLU card holder sa Barangay Kasilawan ang natagpuang, samantalang 439 lamang sa 938 card holders sa Barangay Pinagkaisahan ang naberipika.

Aniya, nadiskubre rin nila na 25 senior citizens ang nakatira sa iisang bahay sa 1526 A Mendoza st.

“But based on the actual survey hindi po nila nakita ‘yung 22 out of the 25,” dagdag ni Cruto.

Ayon pa kay Cruto, may mga benepisyaryo na namatay na noong 2013, ngunit tumatanggap pa rin ng cash gif mula sa lungsod.
“Nakakalungkot po, may pumirma pa at sa pangalan po talaga. Nakakalungkot at nakakagulat bakit ‘yung mga yumao e nagkakaroon pa po ng o nakakatanggap pa after two years na sila’y yumao na,” aniya.

Sinabi pa ni Cruto na base sa rekord noong Hunyo 2010, aabout sa 68000 ang mga senior citizen, na tumatanggap ng kabuuang P11,750, kabilang na ang cash gift na P3,000, birthday cake na P300; special groceries para sa Pasko na P1,500; 1,500 libreng maintenance medicine kada taon at P350 na halaga ng libreng pelikula.

Read more...