NAKIPAGPULONG sina Sen. Grace Poe at Sen. Francis “Chiz” Escudero sa mga miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) mula sa Visayas at Mindanao sa club house ng NPC sa Balete Drive, Quezon City noong Martes ng gabi.
Umabot sa 50 miyembro ng NPC ang dumalo sa pagpupulong.
Kabilang sa mga dumalo ay si Bacolod Rep. Evelio Leonardia.
“It was a room full of laughter. It was a happy occasion and intimate,” sabi ni Leonardia.
Itinanggi naman ni Leonardia na napag-usapan na ang 2016 sa naturang pagpupulong.
“We did not talk much about politics. It was a just a friendly social gathering, ” aniya.
Ayon naman kay Negros Occidental Vice Gov. Eugenio Jose Lacson, wala namang gaanong napag-usapan sa ginawang pagpupulong.
“It turned out to be a ‘meet Senator Poe’ meeting, which we have done here in Negros (Occidental). We were hoping that some policy issue would be discussed, but I guess we expected too much,” ayon pa Lacson.
Idinagdag ni Leonardia na wala namang kautusan sa mga miyembro ng NPC kung sino ang dapat suportahan bilang pangulo.
“It was just a jovial affair,” sabi ni Leonardia.
Sinabi rin ni Kabankalan Mayor Isidro Zayco, na siya ring NPC Negros Occidental chairman, na hindi rin natalakay ang pulitika.