Inaasahang mararamdaman na ngayon sa Metro Manila ang epekto ng bagong Ineng na nananalasa sa hilagang bahagi ng Luzon.
Kahapon ay itinaas na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang public storm signal warning sa mga lugar na direktang maaapektuhan ng bagyo.
Sa pagtataya ng PAGASA lalo upang lumakas ang bagyo sa paglapit nito sa kalupaan. Kahapon ng umaga umaabot na sa 180 kilometro bawat oras ang bilis ng hanging dala nito at pabugsong umaabot sa 215 kph.
Bahagya naman itong bumagal at umuusad sa bilis na 23 kph mula sa 25 kph kamakalawa.
Hindi direktang tatamaan ng bagyo ang Metro Manila subalit palalakasin nito ang Hanging Habagat na siyang magdadala ng pag-ulan.
Sa Linggo ng gabi maaaring lumabas ang bagyo kung hindi magbabago ang bilis at direksyon nito.
Kahapon ay itinaas ang signal no. 2 sa Batanes Group of Islands, Cagayan kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands.
Signal no. 1 naman sa Isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte.
MM mararamdaman na ang epekto ng bagyo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...