Arellano nakaganti sa San Beda

arellano

Laro sa Biyernes
(The Arena, San Juan)
2 p.m. skills challenge
4 p.m. All-Star Game
Team Standings: Letran (8-1); San Beda (7-2); Perpetual Help (7-2); Arellano (6-3); JRU (5-4); Mapua (4-5); St. Benilde (2-7); San Sebastian (2-7); EAC (2-7); Lyceum (2-7)

SA unang pagkikita ng dalawang koponang nagtuos para sa titulo noong isang taon ay ang Arellano University ang siyang nakitaan ng mas matibay na laro nang biguin nito ang nagdedepensang kampeong San Beda, 88-84, sa pagtatapos ng 91st NCAA men’s basketball first round elimination kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Kumulekta ng 22 puntos, 8 assists, 6 rebounds at 4 steals si Jiovani Jalalon habang si Dioncee Holts ay may 21 puntos, 11 rebounds at 5 steals para sa Chiefs.

Limang tres ang ginawa ng Chiefs sa huling yugto at dalawa rito ay galing kay Jalalon habang si Holts ay tumira ng apat na free throws sa huling 4.1 segundo para maibangon ng tropa ni coach Jerry Codinera na winalis ng San Beda sa 2014 Finals.

“This is a big win for us. I just told the players to play their best, sacrifice their bodies and try to stop Ola Adeogun, Pierre Tankoua and Arthur dela Cruz,” wika ni Codinera.

Si Tankoua ay mayroong double-double na 20 puntos at 12 rebounds pero ang dating matibay na si Adeogun at Dela Cruz ay gumawa lamang ng 10 at 11 puntos.

May 13 boards si Dela Cruz ngunit masama ang shooting percentage na 5-of-17 lamang. Samantala, ginamit ni Bright Akhuetie ang kanyang puwersa sa ilalim para umiskor ng 10 sunod na puntos sa overtime at tulungan ang Perpetual Help sa 86-83 panalo kontra Jose Rizal University.

Tumapos si Akhuetie bitbit ang 31 puntos at 12 rebounds. Nagdagdag naman si Earl Scottie Thompson ng 13 puntos, 13 rebounds at career-high 17 assists para sa Altas.

Naglaro kahapon si Thompson kahit pa nagtamo siya ng sprained left ankle noong isang linggo. Hindi rin niya natapos ang laro kahapon dahil sa back spasms sa huling 8.7 segundo ng laro.

Tabla sa pangalawang puwesto ang San Beda at Perpetual Help sa kartadang 7-2.

Read more...