MAKIKILATIS umpisa ngayon ang 64 kalahok ng 2015 PBA Rookie Draft sa isasagawang Gatorade Draft Combine sa Hoops Center, Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Layunin ng two-day event na ito, na magbubukas alas-7 ng umaga at matatapos alas-6 ng hapon, na mabigyan ng pagkakataon ang mga coaching staff ng 12 koponan ng liga na makita ang mga draftees sa iba-ibang drills at mini-tournament.
Ang 2015 Rookie Draft ay gaganapin sa darating na Linggo. “This undertaking is a must for all applicants so I hope everyone will be there.
For the coaches, this gives them the chance to assess their prospects for Sunday’s Draft,” sabi ni PBA commissioner Chito Narvasa.
MOST READ
LATEST STORIES