PMA class ’85 at ’86 itinanggi kontra sa pag-upo ni Ochoa sa DILG

pacquito-ochoa2
ITINANGGI kahapon ng Philippine Military Academy class 1985 at 1986 ang ulat na pinuprotesta ng ilan sa kanilang mga miyembro ang nakatakdang pagtatalaga kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“After being alluded to in several reports, we wish to point out that we have never made any statement, formal or otherwise, as to the incoming leadership of the DILG,” sabi ni Chief Superintendent Edgardo Tinio, Sandiwa class president.
Idinagdag ni Tinio na suportado nila ang ano mang desisyon ni Pangulong Aquino.
Itinalaga si Tinio bilang director ng Quezon City Police District.
“We appeal to those who are peddling this disinformation to spare us from their personal interest. We assure the public that our primary objective is to ensure public safety, and not to raise opinion or judge the decision of the national leadership,” dagdag ni Tinio.
Inaasahan na ang pag-alis ni Interior Secretary Mar Roxas sa DILG matapos namang iendorso ni Aquino.

Read more...