PINAYAGAN ng Korte Suprema na makapagpiyansa si Sen. Juan Ponce Enrile sa kasong plunder na kinakaharap matapos madawit sa pork barrel scam
Sa botong 8-4, inaprubahan ng Kataastasang Hukuman ang mosyon ni Enrile na baligtarin ang naunang desisyon ng Sandiganbayan Third Division na matapos nitong ibasura ang petisyon ng 91-taong-gulang na senador.
Ginawa ang desisyon isang linggo matapos namang payagan ng Kataastaasang Hukuman ang kahilingan ni Enrile na bill of particulars kaugnay ng kasong plunder.
Itinakda ang piyansa sa P1 milyon.
Kabilang sa mga hindi pumabor ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio Associate Justices Estela Perlas Bernabe at Marvic Leonen.
Sa kanyang petisyon, kabilang sa rasong ibinigay ni Enrile ay ang kanyang edad.