Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo na may international name na Goni. Pinangalanang Ineng ang bagyo na nasa layong 1,475 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan kahapon ng umaga. Ang mga lugar sa hilagang bahagi ng bansa ay inaasahang direktang maaapektuhan ng bagyo bukas. Palalakasin naman nito ang Hanging Habagat na siyang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa. âœEstimated rainfall amount is from moderate to heavy within the 500 km diameter of the typhoon,â saad ng advisory ng PAGASA. Ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 170 kilometro bawat oras ang bilis at pabugsong 205 kilometro. Umuusad ito sa bilis na 25 kpgh sa kanluran-hilagang kanluran. Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang nasa layong 890 kilometro sa silangan ng Calayan at bukas sa layong 390 kilometro.
Bagyong Ineng palapit na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...