Pinoy Med Rep nabastusan sa pelikula nina Derek, Coleen

KONTROBERSYAL ngayon sa social media ang open letter ng isang Pinoy medical representative na naka-base na sa ibang bansa, sa MTRCB kung saan inirereklamo nito ang trailer ng pelikulang sexy romantic drama “Ex with Benefits”.

Nakaka-offend daw kasi ang ipinakikitang klase ng medical representatives sa pelikula na pinagbibidahan nina Derek Ramsay bilang isang doktor at Coleen Garcia na gumaganap bilang ambitious medical representative.

Sa trailer hinamon ni Derek si Coleen na patunayan ang bisa ng kanyang mga produkto hanggang sa humantong na sila sa kama.

Sa isang blog site, naiulat nga ang reklamo ng med rep na si Nikki Quisumbing, at nakiusap sa MTRCB na irebyung maigi ang trailer at ang kabuuan ng movie.

“Pinapangit po nila ang image ng mga Professional Medical Representative at ang professional relationship namin sa doctors. Pangalawa po, wala po sa duty namin ang humiga sa kama para humingi ng benta. Kami po ay nag-undergo ng 2 months intensive training para pumasa sa pagiging Medrep sa Pilipinas. Ngayon po kahit ako ay wala na sa Pilipinas, nababalitaan ko po na may PRC exams na mga Medrep para pumasa,” ayon kay Quisumbing.

Dagdag pa nito, “Sana po ay marinig nyo po ang boses namin dahil ano na lang po ang iisipin ng mga kaibigan, kamag anak at mga magulang namin? Na ganito kaming mga propesyonal Medrep at nagpapa-kama sa doctor? At lalong lalo na po yung mga babaeng medrep na may pamilya na. Ano na lang po ang sasabihin ng mga anak nila na makakakita ng trailer na to lalo pa at malaking media ang Star Cinema at ABS-CBN.”

Narito naman ang sagot ni Derek na ipinost niya sa kanyang Instagram account.
“To all medreps out there i just want to say that I have complete respect for the work you do. Alam ko mahirap Ang trabaho nyo at mahirap makuha ang tiwala ng mga doctor. Sana mapanood nyo muna Ang pelikula before assuming na negative ang image na pinapakita namin sa mga medrep. When an action movie has a corrupt politician or policeman we don’t assume all politicians and policemen are corrupt. I hope this message will clarify the issues.”

Read more...