Nanay, anak lumaklak ng lason sa Iloilo City


PATAY ang isang nanay at siyam-na-taong gulang na anak na lalaki nito matapos mag-suicide sa kanilang bahay sa Cabanatuan, Iloilo City.
Sinabi ng mga pulis na dinala ng mga kapitbahay ang mag-ina sa ospital matapos matagpuang walang malay kahapon ng umaga.
Idinagdag ng pulisya, na narinig ng isa sa mga kapitbahay na si Leo Coronado, ang paghingi ng tulong mula sa bahay ni Lucia Marte, 40, sa Barangay Janipaan Oeste ganap na alas-8 ng umaga.

Ayon kay PSInsp. Englebert Banquillo, chief of police ng Cabatuan, pinwersa ni Coronado at iba pang mga kapitbahay ang pintuan para sila makapasok sa bahay kung saan nila natagpuan ang mag-in na kapwa walang malay.
Dead on arrival ang dalawa nang dalhin sa isang ospital.
Sinisilip na ng mga imbestigador ang posibleng kaso ng suicide sa pamamagitan ng pag-inom ng lason.

“We found a cup of coffee with still undissolved powder believed to be poison,” sabi ni Banquilo.
Natagpuan din ng mga imbestigador ang dalawang sachet ng Lanit Insecticide sa loob ng kuwarto kung saan natagpuan ang katawan ng mga biktima.

Read more...