Bing tsinugi sa 2 serye ng dos dahil sa katabaan

bing loyzaga

SOBRANG na-depress daw itong si Bing Loyzaga.Not once but twice kasi siyang tsinugi ng ABS-CBN sa dalawang teleserye na dapat ay kasama siya.

Nakapag-shoot na si Bing ng isang soap opera sa Dos and when previewed ay hindi raw nagustuhan ng mga executives ang kanilang nakita.

It’s not Bing’s acting that they were complaining about dahil magaling namang umarte ang aktres, ‘no.
Apparently, hindi raw nagustuhan ng execs si Bing dahil masyubis (mataba) daw ito.

After one month yata, kinuha muli si Bing for another teleserye. Mother ang kanyang role. Nakapag-tape na siya ng ilang episodes.

Come preview time, muli na namang napansin ng mga execs na mataba pa rin si Bing. She was told to trim down a bit. Ayun, tsinugi siyang muli at ang balita namin ay si Carmina Villaroel ang pumalit sa kanya.

At kung hindi rin kami nagkakamali, ito yung bagong teleserye ni Julia Montes. Say ng aming kumare, ano raw ba ang problema sa pagiging chubbylita ni Bing, eh, mother role naman ang gagampanan niya.

Eh, si Arlene Muhlach nga na pagkataba-taba super get sila. Na-mention din ng diva friend namin na si Sharon Cuneta nga ay masyubis din pero pinabalik pa nila at binigyan pa nila ng bonggang welcome presscon.

Read more...