Shaina gusto nang magka-BF: Pero hindi naman atat na atat! | Bandera

Shaina gusto nang magka-BF: Pero hindi naman atat na atat!

Ervin Santiago - August 18, 2015 - 02:00 AM

shaina magdayao

Kapag napapanood namin si Shaina Magdayao sa ABS-CBN Primetime Bida series na Nathaniel, feeling namin kahit wala siyang lovelife, kuntento na siya sa kanyang buhay at ka- rera.

In fairness, consistent ang ipinapakitang galing sa pag-arte ni Shaina sa serye nila ni Gerald Anderson. Feeling namin, malakas ang laban niya sa mga susunod na awards season sa TV.

At ganu’n din si Gerald na talagang nakikipagsabayan ng galing sa akting kay Ms. Coney Reyes, ang gumaganap na nanay niya sa serye.

Sabi nga ni Shaina, napakarami pang mangyayari sa mga susunod na episode ng Nathaniel, lalo na sa karakter nila nina Gerald at Coney.

Tuluyan na kayang magbalik-loob si AVL sa Diyos sa pamamagitan ni Nathaniel (Marco Masa) o magtagumpay pa rin ang kampon ng demonyo (ginagampanan ni Baron Geisler) sa pag-angkin sa kaluluwa nito?

Yan ang kailanan n’yong tutukan sa pagpapatuloy ng Nathaniel gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN after TV Patrol.

Anyway, going back to Shaina, kahit daw wala siyang lovelife ay maligaya naman ang kanyang personal life. Totoong gusto na niyang magkaroon uli ng boyfriend pero hindi naman daw siya yung tipo ng babae na ipagpipilitan ang isang bagay kahit hindi pa panahon.

Willing naman daw siyang maghintay. Mula nang mag-break sina Shaina at John Lloyd Cruz ay wala pa siyang nagiging BF, pero sey nga ni Shaina, kumpleto naman daw ang buhay niya kahit walang lalaki sa tabi niya nga- yon.

“And yes, walang stress ngayon sa buhay ko. Basta trabaho lang nang trabaho. Dara- ting at darating naman ang lovelife kung talagang para sa iyo ‘yun,” aniya pa.

May fans naman si Shaina na nagsasabing bakit daw hindi na lang si Gerald ang dyowain niya dahil bagay na bagay naman sila ng binata. Marami ang kinikilig sa kanila sa Nathaniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending