NAKAKATUWA lang dahil napakaraming magagandang comments ang nakarating sa amin regarding our anak’s singing some theme songs ng ilang malalaking projects ng ABS-CBN- both for TV and movies.
Sa movies, nakasama si Michael sa Harana sa pagkanta ng ilang theme songs ng Star Cinema and his latest, when he sang the theme song for the top rated soap noon ng ABS-CBN na Bridges of Love – the song “Pusong Ligaw” originally performed by Jericho Rosales.
At ang pinakahuli nga ay itong “Crossroads” na theme song ng kasalukuyang blockbuster movie “The Love Affair” starring Bea Alonzo, Richard Gomez and Ms. Dawn Zulueta.
Ang ganda-ganda ng pagkakanta ni Michael ng mga theme songs na ito. “May dala talagang su- werte si Michael sa mga projects na kinantahan niya.
Nakita niyo naman dati ang hindi matibag-tibag na sobrang taas ng rating ng Bridges of Love – ganda ng song. Iba ang hagod ng pagkanta ni Michael doon – may pagka-slow rock ang dating.
“Kahit itong Crossroads niya, slow rock din. Abangan nila ang theme song ng movie niya – ang Pare, Mahal Mo Raw Ako na more than 6 million views na sa YouTube.
Ito ang magiging super-blockbuster tiyak dahil balita ko maganda raw ang movie na tungkol sa friendship ng isang lalaki at ba- ding.
“Ang galing daw nina Michael and Edgar Allan Guzman sa movie. May Nora Aunor pa silang kasama,” sabi ng isang kaibigan nating manunulat na agad kong sinang-ayunan.
Natural na agree ako sa sinabi niya about the movie “Pare, Mahal Mo Raw Ako” dahil I’ve already watched the full movie – mahusay talaga si Direk Joven Tan sa execution niya for the movie version ng said hit song which he also wrote for Michael.
Ramdam ko nga (siyempre, kailangang positive tayo even in our thoughts) na masu- werte si Michael in every project na sinasalihan niya.
Gusto kasi ng mga tao ang style niya sa pagkanta. Sana magustuhan din ang style niya sa pag-arte. Kung sabagay, hindi ko naman siya papayagang mag-artista talaga eh – singer lang siya for life para sa akin. Ha-hahaha!
Good luck, Baby Michael. May your tribe prosper. Mwah!