Trillanes ayaw nang mag-VP kay Mar

TRILLANES
Hindi na posible ang Roxas-Trillanes tandem para sa 2016 presidential polls.
Sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na inabisuhan na niya ang Malacañang na tanggalin ang kanyang pangalan sa shortlist ng mga posibleng maging running mate ni Interior Secretary Mar Roxas.

“Nagpaalam na po ako sa Malacañang na alisin na po ako sa konsiderasyon nila as vice presidential candidate,” sabi ni Trillanes sa panayam ng Radyo Inquirer 990 AM.
Idinagdag ni Trillanes na hindi siya sumasang-ayon sa ibang mga polisiya ng administrasyon.

“Magkaiba ang aming pananaw tulad ng sa K-12 program. Yung sa RH law, hindi rin ako sang-ayon dahil sa sex education na iimpose nila sa grade six students. It will create more problems,” dagdag ni Trillanes.

Ayon pa kay Trillanes, nangako naman siya kay Pangulong Aquino na mananatili pa rin siyang kaalyado ng administrasyon.
Iginiit pa ni Trillanes na 100 porsiyento siyang sigurado na tatakbo bilang bise presidente kahit pa hindi siya iendorso ng Nacionalista Party.

Read more...